top of page

Sunud-Sunod na Tagumpay ng LGBA 6-Stag Sabong Derby (November 29, 2020)


Sa pagbabalik ng sabong sa mga ibang lugar ng Pilipinas, ating nasilayan muli ang dating sigla ng mga sabongan. Isa na sa mga nagpakita nito ay ang '6-Stag Derby' ng LGBA, o Luzon Gamecock Breeders Association, na ginanap noong Nov. 14, 2020, sa Antipolo Coliseum. Maganda ang kinalabasan ng mga pangyayari, ngunit hindi pa dito nagtatapos ang mga labanan.


Ang nangyari noong Nov. 14, ay ang unang set lamang ng naturang derby. At bago pa man humupa ang init ng aksyon sa Antipolo, ito ay nasundan kaagad ng pangalawang set ng '6-Stag Derby' mula sa LGBA, na naganap noong Nov. 19, 2020.

Tulad din ng dati, maganda ang kinalabasan ng pangalawang set ng derby. Walo ang naging kampeon na nagwagi ng four points. Ang mga ito ay sina T sa kanilang entry na 'Leeman,' Hermie Pagtalunan sa kanyang entry na 'Franzopia,' Papa Bravo sa kanyang entry na 'Papa Bravo Eskarte 121,' Engr. Robert Pagasas Jr. sa kanyang entry na 'Pangasinansi,' Bogs Vinluan at L Martin Jr. sa kanilang entry na 'White Ears,' Cong. Patrick Antonio sa kanyang entry na 'Encuentrolive Hi Action,' Cong. Amado Bagatsing sa kanyang entry na 'Let's Get It On,' at Ren Castro at Bobi sa kanilang entry na 'Ilokanos Single Stroke'.


At kung nagdiriwang man ang mga nanalo sa ikalawang set, may isang labanan na naman na sumunod. Nitong nakaraang Nov. 26, 2020, ginanap ang ikatlong set ng LGBA 6-Stag Derby. Tatlumpu't- tatlo ang sumali at lima ang naging 'Co- champions.' Ang mga nagwagi ay sina Dennis Lumpay at Toto Gregore sa kanilang entry na 'Patron/ 22GF,' Mayor Rocky Ilagan sa kanyang entry na 'Purple Hearts,' sa kanilang entry na 'Jam SB,' Cong. Laurence Wacnang sa kanyang entry na 'Crowsland,' at Mang Nick sa kanyang entry na 'Peejay GF sa Brgy. Putol.'


Naghatid ng pagbati ang pangulo ng LGBA, na si Ginoong Nicolas Makabenta Crisostomo, sa mga nanalo sa pangalawa at pangatlong set. Ang tagumpay ng mga nakaraang set sa nasabing derby ay nagsisilbing senyales na buhay-na-buhay muli ang sabong.


Ang susunod na palaban ng LGBA ay sa December 7, 2020 at ito ang 6 Stag Encuentro na gaganapin pa rin sa Antipolo Coliseum.

191 views0 comments

Yorumlar


bottom of page