top of page

Pambihirang Tagumpay sa 2024 Master Breeders Cup 11 Stag National Derby Early Bird Edition


Isang makasaysayang laban ang naganap noong 2024 Master Breeders Cup 11 Stag National Derby Early Bird Edition, kung saan kabuuang 3,470 na entries mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas ang lumahok. Sa tindi ng kompetisyon, nagtagisan ng galing at tibay ang mga entry sa buong bansa upang makamit ang inaasam-asam na titulo at bahagi ng garantisadong premyo na 27.760 milyong piso.


Sa huli, dalawa sa mga pambihirang sabungero ang nangibabaw. Una, si Congressman Sonny Lagon na nakapagtala ng 10.5 puntos sa kanyang entry na Ako Bisaya 2025/ Domz152 2 para sa GAPP National. Isa pang kampeon ay si Helbert Casas mula sa GAPP Davao sa pamamagitan ng kanyang entry na 2HG The Storm Breaker. Si Casas ay nagpakitang-gilas muli bilang back-to-back champion dahil siya rin ang nagwagi sa 2023 Master Breeders Cup 11 Stag National Derby Early Bird Edition.


Isang malaking pagbati sa lahat ng mga nagwagi! Asahan ang mas kapanapanabik na aksyon sa susunod na edisyon ng 2024 Master Breeders Cup na tiyak na babalikan ng mga sabungero at sabungera sa buong bansa.


Huwag kalimutang tutukan ang SabongTV tuwing Sabado ng alas-8 ng umaga sa One Sports Channel upang makasagap ng pinakabagong balita at kaganapan sa mundo ng sabong.

4 views0 comments

Comments


bottom of page