Maganda at maayos ang naging pagbalik ng sabong ngayong taon. Nandito na muli ang number one sport na kinagigiliwan ng mga Pilipino pagkatapos ng mahabang pagpapahinga simula noong nagkaroon ng pandemya. At dahil malapit ng magtapos ang 2020, may mga kapisanan na gumagawa na ng mga hakbang upang masundan pa ang tagumpay ng sabong hanggang 2021.
Isa na sa mga kapisanan na gumagawa na ng mga kaganapan para sa susunod na taon, ay ang 'World Pitmasters Cup.' Ang grupo ng 'World Pitmasters' ang isa sa mga taga- taguyod ng mga national derbies, at humihiling ito ng suporta sa mga sabongero na magkaisa para sa MBC o Master Breeders’ Cup.
Ang tatlong derby ay gaganapin sa ilalim ng 2021 Master Breeders’ Cup. Ang mga ito ay ang 'Early Bird 10- Stag Derby,' 'Local Banded 10-Stag National Derby,' at '12- Stag National Derby.'
Para mapaghandaan ang mga ito ng husto, inanunsyo na rin ng 'World Pitmasters' ang mga petsa ng 'Wingbanding.' January 2, 2021 ang 'Early Bird,' sa March 1, 2021 naman ang ‘Local’, at sa April 1, 2021 ang ‘National’. Pinapaalala rin nila na ang mga WPC banded na Stags lamang ang tatanggapin sa nasabing derby.
Kaya magsimula na ng breeding para sa 2021 at isulong muli ang laban.
Kommentare