top of page

Magandang Balita Para sa Sabong sa Pilipinas (October 21, 2020)


Mula noong nagsimula ang pandemiya, maraming industriya ang naapektuhan at nahirapan gawa ng pagpapatupad ng mga 'quarantine', at kabilang na dito ay ang industriya ng 'Sabong'. Ngunit may mga senyales na maaaring magbabalik na ang sigla ng Sabong.


Ayon sa pahayag ng 'Tiebreaker Times' noong October 16, 2020, inaprubahan na ng 'IATF' o ang 'Inter- Agency Task Force' sa Management ng Emerging Infectious Diseases ang mga protokol na kinakailangan upang bumalik muli ang operasyon ng 'Horseracing' at 'Sabong' sa Pilipinas. Ikinagalak naman nito ni Games and Amusement Board Chairman Baham Mitra.


Ito ang kanyang pahayag mula sa artikulo "We are happy and relieved that millions of people depending on horseracing and cockfighting will be allowed to go back to their livelihood again. We thank the IATF for making sure of the safety of the sabungero."- Chairman Baham Mitra


Ang mga protokol na ito ang siyang magsisilbing gabay para sa kaligtasan ng mga sabongero laban sa 'COVID-19' tuwing may laro o mga aktibidad. Ayon din sa 'Tiebreaker Times', pahihintulutan lamang ang mga operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng 'Modified General Community Quarantine' o mas-mababa pa. Wala ring mga manunuod, mga online o remote na pustahan, at pagpapalabas ng mga kaganapang sabong ang bibigyang pahintulot ng 'IATF'. Ito’y maliban na lang kung papayagan ng mga lokal na pamahalaan at nakakakuha ng tamang clearance ang mga organiser.

Ang mga ito ay kailangang ipatupad para sa ikabubuti ng kalusugan ng bawat sabungero. Ngunit kahit na may mga limitasyon pa rin sa muling pagbubukas ng sabong, masasabi na natin na isa ito sa mga senyales na unti-unti ng bumabalik sa publiko ang Philippine sport na ito.


184 views0 comments

Comments


bottom of page