Kamakailan lang, may pinost ang Games and Amusement Board sa kanilang Facebook Page. Sa post na iyon, nakalagay ang isang memorandum mula sa Department of The Interior and Local Government o DILG.
Ayon sa nasabing memorandum na lumabas noong Oct. 23, 2020, may mga guidelines na o mga gabay para sa muling pagbalik operasyon ng Sabong. Ang pagpapatupad ng mga ito ay pinaabot sa mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ, o kaya mas mababa pa.
Narito ang ilan sa mga nakasaad na health at safety protocols para sa mga isasagawang aktibidad ng Sabong. Nakalagay dito ang mga kinakailangang gawin para sa mga sabongang pinahihintulutan ng magbukas muli
Ang pagsusuot palagi ng face mask. Bawal ang mga mask na may bentilasyon o butas at hindi papayagang makapasok ang mga walang suot nito.
Ang pagsusuot ng face shield. Saklaw dapat ng face shield ang buong mukha, kasama na ang magkabilang gilid nito. Hindi rin papayagang makapasok ang mga walang suot na face shield.
Ang pagpapatupad ng 'Physical Distancing' base sa kinikilalang gabay or regulasyon para dito. Dapat hanggang tatlong katao lang ang nasa loob ng ruweda. Apat na may ari at isang handler sa bawat may- ari ang dapat nasa labas ng ruweda.
Ang pagpapatupad ng 'Temperature Check' sa mga papasok ng Sabungan. Hindi papayagang makapasok ang mga may lagnat o nagpapakita ng mga sintomas ng COVID- 19.
Ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o kaya ng disinfectant alcohol, ay magiging bahagi na sa mga aktibidad. Ang mga pacilidad para dito ay dapat kasama sa sabongan.
Ang pagkakaroon ng sapat na bentilisyon sa mga sabongan.
Ang pagsigaw o pagtaas ng boses tuwing may pustahan ay pinagbabawalan.
Ang pagdala ng mga ‘Live Streaming Devices’ sa mga sabongan ay pinagbabawalan din, at hindi rin pahihintulutan na magkaroon ng live ‘broadcast o ‘telecast’ ang mga labanan.
Ayon din sa memorandum, strikto dapat ang pag obserba sa mga nakasulat na gabay o guidelines, at may mga ‘penalty’ na maaaring ipataw sa sino mang lumabag sa lahat ng health protocols na nakasaad.
Para sa inyong mga katanungan, o mga karagdagan pang impormasyon tungkol dito, maaari niyong basahin ang kabuuan ng memorandum mula sa Facebook Page ng Games and Amusement Board.
Comments