top of page

Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm, Solo Champion sa Cebu Pit Fighters Group 7 Stag Big Event Derby


Ang kilalang host ng Supremo Infinity Legend Tips na si Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm ay nagtagumpay bilang Solo Champion sa prestihiyosong Cebu Pit Fighters Group 7 Stag Big Event Derby na ginanap noong Agosto 27, 28, at 29, 2024, sa Nustar Resort and Casino.


Kasama ang kanyang mga Firebird Angels na sina Lunelyn, Angela, at MJ, nakuha ni Biboy ang kahanga-hangang score na 6.5, dala ang entry name na "5 Stag Nov 9 1.1M." Ang kanilang tagumpay ay nagpapakita ng husay at dedikasyon ng buong Firebird Gamefarm team.


Mula sa iyong SabongTV family, isang malaking pagbati kay Biboy Enriquez at sa buong koponan ng Firebird Gamefarm! Patuloy na suportahan si Biboy sa kanyang mga episode ng Supremo Infinity Llamado Tips dito sa aming website at tuwing Sabado, 8 AM, sa One Sports Channel.

29 views0 comments

Comments


bottom of page