top of page

Ang Pagbabalik ng Sigla sa Ruweda (November 9, 2020)


Para sa isang sabongero, wala na sigurong magdudulot pa ng kasiyahan at aliw kundi ang init ng aksyon na nangyayari sa loob ng ruweda. Dito umiikot ang mundo ng karamihan na nabubuhay sa sabong. Subalit ito'y biglaang huminto simula nung nakarating ang pandemia ng COVID-19 sa atin.

Sa pagkalat nito sa ating bansa, kailangang magpatupad ng quarantine ang pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat. Maraming industriya sa ating bansa ang naapektuhan, at kabilang na dito ang sabong. Ngunit kahit na may kalungkutan ang sitwasyon, may liwanag na pumapasok sa kadlilimang bumabalot sa mga sabongan.



Ayon sa isang artikulo na inilabas ng 'Remate Online' noong Nov. 5, 2020, unti-unti ng ibinabalik ang operasyon ng sabong, at ang siglang bumubuhay dati sa industriya ay malapit na ring magpatuloy muli. Ito’y dahil sa pagtutulungan ng lahat ng indibidwal at grupo na kaagapay o konektado sa sabong at sa ano mang uri ng kabuhayan ng sambayanan.

Sinasaad din sa artikulo na tinanggap na ng Inter-Agency Task Force o IATF noong Oct. 15, 2020, ang mga programa mula sa Games and Amusement Board o GAB, at pinahihintulutan ng magbukas muli ang sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ o Modified General Community Quarantine. Para maipatupad ang mga 'Health & Safety' protocols ng IATF sa mga sabongan, nakipagpulong kaagad ang GAB chairman sa mga iba't-ibang grupo tulad ng Philippine Veterinary Drug Association (PVDA), Philippine Association of Feed Millers (PAFMI), United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines (UACOOP), International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA), Inc. at kay Mr. Tady Palma.


Ang naging resulta ay isang maayos na pagbubukas muli ng mga sabongan. Malaki ang pasasalamat ng GAB dito. At si mismong GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ay nagpasalamat din at kinalala ang pagsisikap ng mga tao at organisasyon na tumulong sa pagbalik ng operasyon ng sabong.

Ito ang kanyang pahayag ayon sa artikulo:


“We understand that these associations have different interests; thus, we are really grateful to them for heeding our call to work together towards the resumption of cockfighting in the country,” --- Chairman Mitra

Sa isang munting selebrasyon at pagbibigay pugay sa mga tumulong, ang GAB ay namigay ng certificates of appreciation kina Dr. Eugene Mende (President of Philippine Veterinary Drug Association), Dr. Bernard Baysic (Philippine Veterinary Medical Association), Mr. Albert Irving Uy (Thunderbird-UNAHCO), Ms. Ma. Stephanie Nicole Garcia (President of Philippine Association of Feed Millers), Mr. Arnel Anonuevo (Kasama Agri Products and Services), Mr. Mark Lopez (Lakpue Drug Inc.) at Ms. Vicky Tobiano-Chu (VNJ Distributors Inc./Progressive Poultry Supply Corp.).

Tunay na magandang balita ang pagbabalik ng sabong. Ngunit sa ating pagsalubong dito, subukan nating suportahan ang mga bagong patakaran para sa pagbubukas ng mga sabongan. Ito’y dahil kailagan rin nating maisaalang- alang ang kaligtasan ng ating kalusugan, kung nais nating maibalik ang sigla sa ruweda.

469 views0 comments

Comments


bottom of page