top of page

7th Cebu National Gamefowl Expo 2024: Isang Malaking Pagtitipon sa Visayas!


Paghandaan na ang isa sa pinakainaabangang kaganapan sa mundo ng sabong! Ang 7th Cebu National Gamefowl Expo 2024 ay gaganapin mula Nobyembre 15-17, 2024, sa IEC Convention Center, Cebu City. Ang event na ito ay magbibigay-daan sa isang showcase ng mga winning lines ng mga sikat na breeders upang makatulong na i-upgrade ang iyong bloodlines sa farm.


Hindi lamang ito isang pagkakataon upang makita ang mga de-kalidad na bloodlines, kundi isa ring oportunidad na makilala ang mga champion breeders mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. 


Ang ating mga SabongTV partners ay makakasama rin sa event! Bisitahin ang mga booths ng Thunderbird, Lakpue Drug Inc, VNJ Distributors Inc, at Supremo Infinity upang malaman ang tungkol sa kanilang mga bagong produkto at makilala ang kanilang mga endorsers na dadalo para sa ating mga ka-SabongTV sa Cebu.


At syempre, ang SabongTV ay isa sa mga media partners ng event na ito. Huwag palampasin ang pagkakataon na makadalo sa 7th Cebu National Gamefowl Expo 2024. Kita-kits tayo doon, mga ka-SabongTV!

6 views0 comments

Comments


bottom of page